Nagdiwang ng kaarawan ang Kapamilya actress na si Maris Racal noong Lunes, Setyembre 22.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Racal, 28, ang kanyang walang pag-iimbot at isang makabuluhang birthday wish habang nag-upload ng kanyang mga larawan sa kaarawan.
“Birthday ko ngayon. Ang wish ko lang ay DPWH. Di Pwede ang Walang Hustisya,” sa caption ng kanyang post.
Noong Linggo, Setyembre 21, kasama si Racal sa mga celebrity na nakiisa sa protesta sa Luneta laban sa umano’y malawakang katiwalian sa gobyerno.
Si Racal ay isa sa libu-libong Pilipino na nagpahayag ng galit at pagkasuklam sa umano’y mga anomalya. Hiniling ng “FPJ’s Batang Quiapo” actress ang pananagutan sa mga sangkot sa umano’y multi-trillion-peso corruption sa maanomalyang flood-control at iba pang infrastructure projects.
“Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo,”.
Ilan sa mga celebrities na sumali sa nationwide protests noong Linggo ay sina Vice Ganda, Donny Pangilianan, Ion Perez, Hackie Gonzaga, Anne Curtis, at Jasmin Curtis-Smith.
Spotted din sina Nadine Lustre, Maris Racal, Elijah Canlas, Andrea Brillantes, Angel Aquino, Gardo Versoza, Alex Medina, DJ Chacha, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Julia Barretto, Leon Barretto, Marjorie Barretto, Tessie Tomas, at Iza Calzado.