May talent ka ba sa pag-arte? Baka ito na ang big break mo!
Ang Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN ay naghahanap ng isang child actor na magiging bahagi ng isang bagong serye.
Noong Lunes, Setyembre 29, inihayag ng show producer sa pamamagitan ng social media na naghahanap ito ng isang “small, cute and chubby” boy na may talento sa pag-arte.
Ang paghahanap ay bukas sa mga batang lalaki na 9 hanggang 13 taong gulang.
Ang mga interesado ay maaaring mag-audition sa ABS-CBN ELJ Building Tower Entrance sa Oktubre 4, Sabado mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. at dapat magdala ng isang 4R na larawan at dapat handa na ipakita ang kanyang talento sa pag-arte.
Ang Dreamscape Entertainment ang nasa likod ng mga hit drama tulad ng “FPJ’s Batang Quiapo” at “Saving Grace.” Ito rin ang show producer ng upcoming series na “The Alibi,” na pagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.