“Napakaswerte ko na sila ang aking mga in-laws.”
Ito ang taos-pusong salita ng aktres na si Kaye Abad habang pinag-uusapan ang mga magulang ng kanyang asawang si Paul Jake Castillo, sa panayam kay Melai Cantiveros sa Kuan on One.
Nagpahayag ng paghanga si Kaye sa kababaang-loob at grounded lifestyle ng kanyang in-laws, sa kabila ng tagumpay ng kanilang pamilya.
“Mabait sila and they are very simple. Hindi sila ‘yung mayayaman na may engrandeng bahay. Sila very simple, very practical family,” she said.
Ang pamilya ni Paul Jake ay nagmamay-ari ng isang pangunahing pharmaceutical at consumer goods manufacturing at distribution company na nakabase sa Cebu.
Pinuri naman ni Kaye kung paano pinalaki ng kanyang mga biyenan ang kanilang mga anak, kasama na si Paul Jake, na maging masipag at malaya.
“Na-appreciate ko ang father and mother-in-law ko because they raised their children very well. Silang magkakapatid sina Paul Jake, [they told them] na mag-work talaga kayo. Di ba ‘yung ibang mayayaman na may family business, ‘yung iba maghihintay na lang na tumanggap ng dividend. Ang mother and father-in-law ko sila talaga, ‘Hindi. Mag-work talaga kayo para may maipamana kayo.”
Itinampok din ni Kaye ang pagiging bukas-palad ng kanyang mga biyenan, lalo na sa mga katulong sa kanilang sambahayan.
“And very, very generous sila, very helpful. Kahit sa mga helpers namin, di ba nag [bagyong] Odette sa Cebu, tinulungan talaga nila lahat ng helpers namin, very generous talaga sila,” she stated.