Naging totoo si Alden Richards sa mga pagsubok na naranasan niya habang ginagawa ang kanyang kauna-unahang directorial job, “Out of Order.”
Sa ulat ni Nelson Canlas sa “24 Oras” Lunes, ibinahagi ng Asia’s Multimedia Star na ang pinaka-challenging na aspeto ng pagiging direktor ay ang pagtitiwala sa kanya ng kanyang mga aktor.
“Since this is my debut as a director, binuhat nila ako lahat. Nagbuhat kami lahat dito sa pelikula,” he said.
“I read the script five times. ‘Di ako makatulog sa gabi. Everyone looks to you in terms of command, I told myself, ‘Parang hindi mo masyadong ginagawang mental lahat, just go with it.'”
Isa sa mga paghahandang dapat gawin ni Alden at ng kanyang team para sa pelikula ay ang immersion sa Quezon City Hall of Justice.
“Nag-immerse kami. I went to the QC Hall of Justice to sit down, actually see litigations happening every day for one week, and then we got lawyers na writer, lawyers by profession pero nagsusulat” sabi niya.