Home News & Politics Jinggoy gagawa ng legal na aksyon laban sa ex-DPWH engineer

Jinggoy gagawa ng legal na aksyon laban sa ex-DPWH engineer

0
23

Nagbanta si Sen. Jinggoy Estrada nitong Martes na kakasuhan si dating Bulacan First District Assistant Engineer Brice Hernandez, na inakusahan siya ng tumatanggap ng mga kickback sa mga flood control projects.

Sa isang press conference, iginiit ni Estrada na hindi siya lumahok sa diumano’y iskema ng pagkuha ng kabayaran mula sa bilyun-bilyong pisong halaga ng mga proyektong pang-imprastraktura.

When asked if he would file a case against Hernandez, he said, “Yes, sasampahan ko ng kaso ‘yan. I will talk to my lawyers.”

Sa pagsisiyasat ng Kamara noong Martes sa mga programa sa pagkontrol sa baha, sinabi ni Hernandez na ilang mga inhinyero sa Department of Public Works and Highways ang naging “legmen” o “bagmen” para sa mga pulitiko.

“Kung tatanungin nyo po ako kung sino o kanino kami naging bagman…sabi ni Senator Marcoleta kahapon, ‘Ligtas ka na.’ Hindi po ito totoo,” Hernandez said.

“Si Senator Jinggoy Estrada, Senator Joel Villanueva, [DPWH] Usec. Robert Bernardo at DE (District Engineer Henry) Alcantara,” he added.

Sinabi ni Hernandez na nakatanggap sina Estrada at Villanueva ng “commitments” na katumbas ng humigit-kumulang 30 porsiyento ng halaga ng proyekto para sa ilang floodgates at pumping stations sa Bulacan.

No comments

Leave a reply

Please enter your comment!
Please enter your name here