Kim Chiu: ‘Napapaligiran na tayo ng magnanakaw’

Ang Kapamilya actress na si Kim Chiu ay nagpahayag ng kanyang pagkadismaya tungkol sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno at humiling ng pananagutan sa ngalan ng kanyang mga kapwa nagbabayad ng buwis. Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng It’s Showtime host ang isang open letter na humarap sa mga opisyal ng gobyerno at hinikayat ang kanyang mga followers na magsalita din.

“Tayo, mga ordinaryong Pilipino, walang palya sa pagbabayad ng buwis. May kaba kung late ka at may penalty; may takot kung hindi tama ang bayad dahil maaraing may kasamang parusa. Sila naman, walang takot, walang konsensya at nagagawang gawing nakawin ang kaban ng bayan,” saad niya.

“Hindi lang pera ang ninanakaw ninyo! ninakaw ninyo ang PAG-ASA. Ninakaw ninyo ang kinabukasan ng kabataan, ang ginhawa ng mahihirap, at ang pananampalataya ng taong-bayan na may hustisya pa rin sa ating bansa,” she shared.

“Paano ninyo nagagawang ngumiti sa kapwa Pilipino habang ninanakawan ninyo sila? Paano kayo nakakatulog nang mahimbing sa mamahaling kama habang milyon ang walang maayos na tulugan? Paano ninyo nalulunok ang mamahaling pagkain habang marami ang nagugutom at nasasawi sa sakuna dahil walang ipinamigay na tulong? Napapaligiran na tayo ng magnanakaw,” sabi niya.

Latest articles

Related articles

Leave a reply

Please enter your comment!
Please enter your name here

Skip to toolbar